Bagong music video ng Maroon 5, umabot na sa 30 million views

Maroon 5

Oh men napaka-awesome ng music video ng Maroon 5 para sa bago nilang single titled Girls Like You na star-studded at umabot na ng mahigit 30 milyon ang views sa YouTube.

Hanep, simple lang ang music video, pero ang lakas ng impact. Lahat ng singer ay ganito ang pangarap, ang makaabot ng milyun-milyong views sa YouTube ang kanilang MV.

Umabot sa 25 na maiimpluwensiyang babae ang napasama sa nasabing MV na mas nagbigay kulay at meaning sa girl power na kanta.

Nakakaaliw na makita sina Camila Cabello, 2 Dope Queen’s Phoebe Robinson, Aly Raisman, Sarah Silverman, Gal Gadot, Lily Singh, Tech entrepreneur Amani Al-Khatahtbeh, Transpa­rent’s Trace Lysette, Tiffany Haddish, Activist Angy Rivera, Activist/author Franchesca Ramsey, Millie Bobby Brown, Ellen DeGeneres, Jennifer Lopez, Chloe Kim, Alex Morgan, Mary J. Blige, Lady Bird actress Beanie Feldstein, Jackie Fielder ng Mazaska Talks, Danica Patrick, Ilhan Omar, Elizabeth Banks, Ashley Graham, Rita Ora at ang pinakahuli ay ang misis ng lead vocalist na si Adam Levine na si Behati Prinsloo kasama ang kanilang anak na si Dusty Rose, na nagsilbing pinaka-highlight ng MV.

Marami nang naghihintay kung kailan maipi-feature sa show ni Ellen ang bagong single ng nasabing banda.

Show comments