Kyline nakisakay sa truck ng gulay nang mag-audition
MANILA, Philippines — Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tunghayan ang kuwento ng Kambal, Karibal star na si Kyline Alcantara na binansagang La Nueva Kontrabida sa showbiz.
Hindi naging madali ang simula para kay Kyline, maraming pagsubok ang dumating sa kanya lalo na nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Ngunit hindi ito naging balakid sa pagtupad ng kanyang pangarap maging artista, dahil mula Bicol papuntang Maynila, para makapag-audition man lang ay sumasakay silang mag-ina sa truck ng gulay.
Nagkaroon man ng financial problem ang kanilang pamilya, kaya’t naisip ni Kyline na tulungan ang kanyang pamilya. Maraming beses man na hindi natatanggap sa mga TV auditions at commercial noong una, hindi siya sumuko at napanghinaan ng loob para ipagpatuloy ang kanyang pangarap.
Nagsimulang maging extra sa mga teleserye, pero nang maglaon ay ipinakita niya ang kanyang husay sa pag-arte. Bukod pa rito, dahil din sa hilig at husay niya sa pagkanta, sa murang edad na 12 years old ay gumagawa na siya ng mga videos na laging nagba-viral.
Ang kanyang video na Perfect ay umani ng 1.8 Million views sa YouTube. Hanggang sa dumami na ang mga followers at fans ni Kyline.
Pagkaraan ng sampung taon ay nagkabalikan muli ang parents ni Kyline at muling nabuo ang kanilang pamilya.
Ang Kyline Alcantara Story ay pinangungunahan ni Kyline as herself, Tina Paner bilang Rowena, Jay Manalo bilang Butch, Paolo Gumabao bilang Kent, Karlo Duterte bilang Roan, Eliza Pineda bilang Hannah, Caprice Cayetano bilang young Kyline, Bruce Roeland bilang young Kent at Bryce Eusebio bilang Roan.
Mula sa direksyon ni Rechie del Carmen, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.
- Latest






















