^

Pang Movies

Julia doble-doble na ang suwerte!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Julia doble-doble na ang suwerte!
Julia Montes

God is good, tiyak ito ang sasabihin ng cast at production staff ng top afternoon series na Doble Kara, since ang buong inakala nilang hanggang ngayong January na lang ito magtatagal sa himpapawid ay hindi mangyayari.

Hanggang April pa raw ang series na pinagbibidahan ni Julia Montes na gumaganap na kambal.

Come to think of it, doble-doble ang suwerte nitong si Julia, considering na bago mag-Christmas last year, finally ay na-meet na rin niya ang kanyang German father na matagal na rin niyang pinangarap.

Nasa sinapupunan pa kasi siya ng kanyang ina nang bumalik ang kanyang German father sa homeland nito sa Germany. Bonus na na-meet din niya ang stepmom niya at stepbrother.

Well, what if before Valentine’s day, aminin na nila ni Coco Martin na may relasyon sila?

Pagnagkataon, ‘di lang double suwerte ang magaganap kay Julia.

Directed by Manny Palo, Doble Kara also stars Sam Milby, Edgar Allan Guzman, Mylene Dizon, John Lapus, Maxene Magalona at ang love team nina Nash Aguas at Alexa Ilacad, among others.

Balak pakasalan ng dating beauty queen, inaayawan

By the way, sino itong former beauty queen actress, na legally separated na from her foreigner-husband na may balak pakasal na this year sa kanyang boyfriend, na isang foreigner din?

This, despite na may mga ayaw sa kanyang mapapangasawa.

Clue: May two children (hindi namin sasabihin ang mga gender ng bata) sa kanyang unang asawa.

Pagbabalik ng triplets, 20 years in the making

Wow, Salve A., hulaan mo kung sinu-sino ang muling nagkasama-sama pagkatapos ng 20 years na paghihiwalay?

Well, sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Kristina Paner, na nakilala bilang Triplets ng Regal Films.

Lahat sila ay ikinasal na. For a while, sa abroad kapwa namimirhan sina Sheryl at Tina (Kristina), since parehong based sa ibang bansa ang kani-kanilang napangasawa.

Si Sheryl sa U.S., at si Tina naman ay sa Spain.

But as in common knowledge, nakipaghiwalay pareho sina Sheryl at Tina sa kani-kanilang mga napangasawa. Kapwa sila may tig-isang anak na babae.

Samantala, nananatiling matibay naman ang relasyon ni Manilyn sa kanyang asawa na si Aljon Jimenez na dati ring Regal baby.

Thank God, ani Manilyn. May dalawa na silang anak na lalaki na pawang malalaki na.

Si Manilyn din ang pinaka-active sa showbiz. Gumaganap siyang asawa ni Michael V sa comedy series na Pepito Manaloto. Paminsan-minsan ay lumalabas din siya sa pelikula and do personal appearances in the provinces.

“But it has always been my dream to reunite with Sheryl and Tina in a project. I’m glad, finally na-realized ito dito sa upcoming series na Meant To Be ng GMA 7,” ani Manilyn.

Well, of course, nanay na ang kanilang roles na ginagampanan, which they don’t mind, according naman kay Tina, sa tunay na buhay nga naman, mga ina na naman sila.

Topbilled in Meant To Be are the young talents ng Kapuso na sina Barbie Forteza, Ivan Dorschner, Addy Raj, Jak Roberto at Ken Chan.

DOBLE KARA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with