Pres. Duterte magiging judge ng Miss U?!

Uy malamang pala na mag-judge sa Miss World 2016 si President Duterte.

Though sinabi ni Tourism Undersecretary Kat de Castro na bawal ang ganun pero baka naman daw magkaroon ng exception to the rule. “Apparently it’s a rule for the Miss Universe Organization not to have a judge from the host country. But I think if it’s the President, that’s going to be another… I think they will make an exception to the rule,” sabi niya sa press briefing sa Malacañang kahapon.

At ito, willing daw maki-cooperate ang presidente sa gimik nila ng maghu-host ng pageant night na si Steve Harvey. Hindi raw totoo na kontra ang pangu­lo na mag-host ito ng pageant dahil sa pagkakamali sa pagtawag ng winner noon na si Miss Colombia at ilang mi­nutes lang ang nakalipas ay tinawag niyang si Pia Wurtzbach na totoong winner

Kahapon ay bumisita ng Malacañang ang ibang kandidata na dumating na ng bansa although wala ang pangulo.

Uunahin daw pasyalan ng ibang mga kandidata ang Siargao, Vigan, at Cebu.

‘Pag sa Maynila nga naman sila nag-stay siguradong makukunsumi sila sa traffic lalo na ngayong Christmas rush. Si Anne Curtis lang kahapon hindi nakapagpigil at nag-post sa Twitter na sana ay tumakbo na lang siya pauwi. “Wishing I brought my runners so I could run the 12kms home and get there faster than sitting in this TRAFFIC!!”

Lahat nagrereklamo sa traffic kahapon na hindi pa rin tanggap ng karamihan samantalang araw-araw naman ganun ang kanilang nilalakbayan.

Buti na lang at early morning gaganapin ang coronation ng Miss U next year,  January 30, kaya malamang wala pa nung traffic.

 

 

Show comments