_pang-masa
^

Andi gustong maging writer

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - June 11, 2016 - 12:00am

Buti na lang at hindi natuloy ang balak ni Andi Eigenmann na mag-quit sa showbiz. Sinabi niya kamakailan na bukod sa rami ng mga isyu at intriga na kinahaharap niya noon naisip na niyang sumuko. 

Pero dahil sa tagumpay ng movie na Ma ‘Rosa sa Cannes International Film Festival kung saan natupad ang pangarap niyang makilala sa ibang bansa ang pelikulang Pinoy movie na kinabibilangan niya ay wala nang dahilan para tumigil siya sa showbiz.

Napatunayan ni Andi sa panalo ng kanyang inang si Jaclyn Jose bilang best actress na bukod sa galing siya sa angkan ng mga artista ay ipinanganak din siya para umarte. Na-realize rin ng aktres na hindi niya kayang iwanan ang pag-arte. Pero kung sakali man na dumating ang time na hindi na kailangan ang kanyang serbisyo sa showbiz ay tanggap naman niya ito dahil hindi ka nga naman forever ang demand sa showbiz.

Pangarap din pala ni Andi ang maging writer. Masaya si Andi na mag-travel hindi lang dito sa magagandang lugar sa ‘Pinas kundi maging sa ibang bansa. Siyempre kasama niya ang kanyang anak na si Ellie.

Hindi naman nag-aalala si Andi kung saan siyang dalhin ng kapalaran, basta ini-enjoy lang niya ang journey sa kanyang buhay.

MAKATI SHANGRI-LA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with