^

Pang Movies

Ruby at Derrick age doesn’t matter ang drama

Pang-masa

MANILA, Philippines – Wala raw kinikilalang edad ang pag-ibig. Ngunit paano kung bukod sa edad, medyo sagabal din ang ‘yong propesyon at ang iyong lumalaking waistline para sa pangarap mong true love?

Abangan ngayong Sabado sa Magpakailanman ang nakakakilig at nakatutuwang kuwento ng isang teacher na umibig sa isang lalaking minsan niya nang naging estudyante.

Kilalanin natin si Maribel na NBSB o no boyfriend since birth hanggang sa makilala niya si Nestor, ang unang lalaking nagpatibok sa mataba niyang puso.

Sa una’y ayaw ni Maribel kay Nestor dahil sa agwat ng edad nila at dahil na rin sa kaniyang propesyon. Ngunit naging masugid si Nestor sa panliligaw kay Maribel at hindi agad sumuko. Kaya naman after grumaduate ni Nestor sa high school, nakuha na rin nito ang matamis na oo ng dalaga.

Mula sa direksyon ni Mark dela Cruz, kiligin, tumawa, at mag-feeling sexy and free ngayong Sabado, sa nangungunang drama anthology sa bansa na nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman sa GMA 7.

ABANGAN

ANG

CRUZ

KAYA

KILALANIN

MAGPAKAILANMAN

MARIBEL

MULA

NGUNIT

SABADO

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with