Ruby Rodriguez maraming pagsubok na pinagdaraanan
Ruby Rodriguez maraming pagsubok na pinagdaraanan
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - February 24, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ngayong Martes, silipin ang buhay ng komedyante at host na si Ruby Rodriguez sa award-winning biodocumentary program ng GMA, ang Tunay na Buhay.

Mahigit 20 taon nang ka-Dabarkads si Ruby.  Bukod sa pagiging isa sa mga host ng longest-running noontime variety program sa bansa na Eat Bulaga, kasa-kasama rin siya ni Bossing Vic Sotto sa kanyang mga pelikula.

Pero hindi lang pala puro pagpapatawa at pagbibigay saya ang buhay ni Ruby dahil may mga pagsubok din siyang pinagdadaanan.  Isa na rito ang pagkakaroon ng anak na may Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD, bukod pa sa mayroong mga pumupuna sa kanyang timbang.

Alamin ang kuwento ni Ruby Rodriguez sa likod ng kamera kasama si Rhea Santos ngayong Martes sa Tunay na Buhay, 4:35pm, sa GMA7.

ALAMIN ATTENTION DEFICIT HYPERACTIVITY DISORDER BOSSING VIC SOTTO BUHAY BUKOD DABARKADS EAT BULAGA NGAYONG MARTES RHEA SANTOS RUBY RODRIGUEZ TUNAY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with