^

Pang Movies

Coco pinag-iingat sa gabi

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Super ganda ng bahay ni Coco Martin at ‘yun ay dahil sa sipag at tiyaga nito na ipunin ang pera mula sa mga kinikita ng teleserye at mga shows abroad.

Hinulaan ang aktor na hihina ang pangangatawan nito kaya pinag-iingat at pinayuhang magpahinga. Pinayuhan din ito na iwa­san ang pagbibiyahe sa gabi para makaiwas sa aksidente.

Alex hinuhulaang mabubuntis ngayong 2015

Nakakaloka naman ang hula kay Alex Gonzaga dahil mabubuntis daw ito ngayong taon. Ngayon pa naman na gumaganda ang career ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga at saka hinulaang mabubuntis.

Nakakaloka ang hula dahil knowing Mommy Pinty, lagi itong nakaalalay sa anak. Natatandaan nga namin na dating na-in love ito sa kay Kean Cipriano. Ayaw na ayaw ni Mommy Pinty sa lead singer ng Calla Lily at ‘di siya boto para sa anak.

Bianca kinikilig kapag tinititigan si Miguel

Bagay na bagay na pareha sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at marami na ang kinikilig sa teleserye nilang Once Upon A Kiss.

Inamin naman ni Bianca na kinikilig siya kapag tinititigan si Miguel, pero hanggang pagkakaibigan lang muna daw ang kaya nitong i-offer dahil focus muna sila sa trabaho.

Normal na sa dalawa ang laging magka-holding hands at wala itong kahulugan bilang magkarelasyon.

‘‘Komportable po ako pag magkahawak kamay kami ni Miguel at feeling safe po ako,” sabi ni Bianca.

ALEX GONZAGA

BIANCA

BIANCA UMALI

CALLA LILY

KEAN CIPRIANO

MIGUEL

MIGUEL TANFELIX

MOMMY PINTY

NAKAKALOKA

ONCE UPON A KISS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with