^

Pang Movies

Vice Ganda laging nakatutok kay Bimby

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Kuwento ni Direk Wenn Deramas na super sweet si Bimby sa kanya at hindi na siya nahihirapang magbigay ng instruction para mapasunod siya sa mga eksena na gagawin nito. Sinabi pa ni Direk Wenn na ang laki ng improvement ng anak ni Kris Aquino sa pag-arte.

Close rin si Vice Ganda kay Bimby dahil lagi siyang nakatutok dito at ang trato niya sa child actor ay parang normal na bata lang at hindi anak ng isang Kris Aquino o pamangkin ng pangulo ng bansa.

Kasama rin sa movie si Alex Gonzaga na fresh sa tagumpay ng kanyang Pure Love, Richard Yap, Eddie Garcia, Tom Rodriguez, Nikki Valdez, Valdolph, Kean Cipriano, at iba pa. Palabas na ito sa Disyembre 25 sa mga sinehan sa buong bansa.

Gangster Lolo, mapapanood na sa Dec. 17

Mapapanood na rin sa wakas ang Gangster Lolo na puno ng katatawanan at aksyon na tinatampukan ng mga senior citizen na mga aktor. Ang barkadang ito ay binubuo nina Asiong Salonpas na si Leo Martinez kasama sina Bembol Roco, Rez Cortez, Pen Medina, Soxy Topacio, at Boy Alano.

Ayos lang sana ang butu-buto pero natiklo sila ng mga pulis habang nanghoholdap ng jewelry shop. Tanging si Jack (Boy Alano) ang naka-eskapo pero dahil nagpakabuti sa kulungan, lumaya silang lahat. Dun sila tumuloy sa isang tenement sa pag-asang matatagpuan ang perang itinago ni Jack.

Dahil sa pagbabagong buhay ay napagtanto na hindi mahalaga ang kayamanan kaya ipinamahagi ang kayamanan sa mga taga-tenement.

Umaatikabong aksyon ang makikita sa mga senior citizen na aktor at ang grupo ng masasamang-loob na gustong mapasakanila ang yaman na nakuha ng mga gangster lolo.

Palabas na ito sa Disyembre 17 sa direksyon ni William Mayo at prodyus ng Cosmic Ventures Production nina Randy at Marilou Nonato, Rylan Flores, Edgar at Aida Perla at Maureen Carlos.

AIDA PERLA

ALEX GONZAGA

ASIONG SALONPAS

BEMBOL ROCO

BIMBY

BOY ALANO

COSMIC VENTURES PRODUCTION

GANGSTER LOLO

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with