_pang-masa
^

Raymart pumayat at naging bata sa bagong therapy

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 28, 2013 - 12:00am

Lalong nami-miss ni Raymart Santiago ang kanyang mga anak na sina Sabina (nine years old) at Santino (six years old) ngayong for the first two weeks ng Villa Quintana, mga bata ang mga character nina Elmo Magalona as Isagani at Janine Gutierrez as Lynette. Sa story, si Raymart as Felix Samonte ang magpapalaki sa anak ni Lumeng (Sunshine Dizon) na si Isagani (Elmo) pero ang tunay na ama nito ay si Robert Quintana (Paolo Contis). 

Therapy kay Raymart ang bago niyang soap dahil ang bati sa kanya ng showbiz press, nagmukha pa siyang bata at medyo nag-slim?

“Yes, parang therapy sa akin ito dahil tatay din ako. Alam ko ang feeling na nawawala ang mahal mo sa buhay,” sagot ni Raymart. â€œWala akong inaalagaan ngayon kaya inaalagaan ko ang sarili ko. But I’m thankful sa aking family dahil since day one ng mga pinagdadaanan ko, nariyan lamang sila, hindi nila ako iniiwanan. Tahimik lamang naman ako noong una, isang tanong isang sagot lang ako pero nang marami na silang ibinibintang, kailangan ko na ring ipagtanggol ang sarili ko.”

Pumirma na rin ng two-year exclusive contract si Raymart sa GMA Network at thankful nga siya na binigyan siya agad ng project pagkatapos ng Home Sweet Home. At kinuha rin siya ni Direk Ricky Davao para sa air shots nito kay Kylie Padilla sa bagong telefantasya nitong Adarna, using his helicam, dahil hindi ito maabot ng ordinary camera. Natawa ang mga kaharap ni Raymart nang tanungin siya kung totoong may nagbato kaya nasira ang helicam niya, at sagot niya: “Next question please!”

Sa Nov. 4 na ang pilot telecast ng Villa Quintana sa GMA 7. Papalitan nito ang Mga Basang Sisiw na simula na ng final week mamaya after ng Eat Bulaga.

Male teachers nagpagalingan sa pagsayaw para kay Marian

Very successful ang 5th Gabay Guro celebration na ginanap sa SM Mall of Asia Arena last Saturday sa pamamahala ni Chaye Cabal-Revilla, chairman at vice president for finance ng PLDT-Smart Foundation. Filled to the rafters ang venue na pinasaya ng pagdating ng mga inimbita nilang celebrities and hosted by Edu Manzano and Derek Ramsay. Opening number si GMA Primetime Queen Marian Rivera na sa dance number niya, game na nakisayaw si Chaye at mga male teacher. Nagpaligsahan pa sa pagsayaw ang mga male teacher na ang prize ay kiss from Marian. Dumating din ang hunk celebrities na ni-request ng mga female teacher like Rocco Nacino, Daniel Matsunaga. Edward Mendez, Vin Abrenica, at marami pang iba.

Nagkatsikahan sina Marian at Rocco sa dressing room at tinanong ni Marian si Rocco kung sino ang girlfriend nito, sagot ng aktor, wala raw dahil very busy siya ngayon at gusto rin niyang makaipon dahil nakita na niya ang townhouse na gusto niyang bilhin. Special friend lamang niya si Lovi Poe, hindi girlfriend. 

Si Marian nang tanungin sa bago niyang soap, nakipag-meet na siya kina Direk Dominic Zapata and scriptwriter Suzette Doctolero for her new soap na first na namang gagawin nito para sa kanya. 

 

BUT I CHAYE CABAL-REVILLA DANIEL MATSUNAGA DIREK DOMINIC ZAPATA DIREK RICKY DAVAO RAYMART VILLA QUINTANA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with