Daniel at Karla may pagmamahal na walang katulad

MANILA, Philippines - Sa mahigit na 60 na taon, bahagi na ng tahanan ng mga Pilipino ang Lily’s Peanut Butter. Ito ang pangalang nanguna at patuloy na nangunguna pagdating sa lasa at kalidad ng palamang peanut butter. 

Gawa sa all-natural ingredients, kilala ng mga Pilipino ang matamis at makremang sarap ng Lily’s brand. 

Bukod sa panlasa, mas napamahal pa ito sa mga mamimili dahil ito ay Zero Cholesterol at Zero TransFat. 

Dahil kilala na sa buong Pilipinas, iba at bagong mga produkto ang inihandog ng Lily’s. 

Sa mga nakaraang taon, ipinakilala ang Coco Jam, Chocolate Peanut Butter, at Crunchy Peanut Butter para sa makabagong henerasyon. Pero hindi pa rito nagtapos. 

Sa matagal na panahon na nakilala ang Lily’s sa “product excellence” ay patuloy itong nag-iisip ng mga makabagong handog. Heto na ang kauna-unahang marketing campaign na magsasaad na matindi talaga ang pangalang Lily’s. Ipinakikilala ang kauna-unahang celebrity endorsers ng pinagkakatiwalaang brand — ang mag-inang Daniel Padilla at Karla Estrada!

Ang pagkuha sa kanila ay tumutukoy sa “bond people share whenever they experience a love na walang katulad. A love that you can only find with someone you’ve known for a long time. A love that will make you say, ‘Ikaw lang talaga, Lily’s.’”

 

Show comments