Alice nagbabaliw-baliwan lang?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 15, 2013 - 12:00am

Sunud-sunod ang mga nakakasirang balita tungkol kay Alice Dixon. Noong una ay nagreklamo sa kanyang attitude si Rita Avila. Ngayon naman ay si Gardo Verzosa. Sinasabi nilang nagbabaliw-baliwan si Alice. Ewan namin kung iyon ay totoo o ginagawa nilang gimmick para makalikha sila ng ingay sa kanilang show.

Kung totoo, dapat inaayos ’yan ng mga producer ng show, hindi ang hinihintay pa nilang lumabas ang mga balita tungkol diyan. Dapat ’yung may problema, inaayos na agad. Kaya lumalabas ’yan sa media, ibig sabihin, walang ginawa ang mga producer o ang network na ayusin ang problema kung totoong meron man. Noong araw, natatandaan namin, ayaw na ayaw ng mga producer na sinisiraan ang kanilang mga artista kaya kung may problema inaayos nila agad. Kung sisiraan mo ang isang artista, magkakaroon iyon ng epekto sa kanya kahit na paano.

Hindi tama ’yan. Siraan nila ang mga artista nila lalong mababawasan ang manonood sa kanila. Hindi ba kaya nga tinitira ang isang artista para huwag nang panoorin? Sino ang nawawalan kung sa isang show magtitirahan sila?

Vilma ni-research ng todo ng fan!

May nagpadala sa amin ng isang Internet link, na ang nakalagay lamang ay Star for All Seasons. Hindi namin alam kung ano ang site na iyon pero sa title pa lang alam mong tungkol iyon kay Governor Vilma Santos. Pero nakakatawa na maski na ang governor ay hindi alam na may ganoong site dahil hindi naman siya nagbababad sa Internet eh. Although inaamin niyang nagsisimula na siya para huwag naman siyang maiwan ng panahon.

Anyway, nang buksan namin ang site, unang tumambad sa amin ang home page na kung saan may mga isinulat ang blogger mismo. Una ay tungkol sa yumaong si William Leary na dating manager ni Ate Vi at producer noon ng kanyang mga record, iyong Wilears.

’Tapos may nakita pa kaming ipinoste niya na isa naming blog na ginawa. Meron pang kinuha sa isang article na sinulat namin noong araw pa na ang gamit namin ay pen name, hindi namin tunay na pangalan ang naroroon.

May listahan din siya ng mga pelikulang nagawa na ni Ate Vi simula Trudis Liit hanggang sa Ekstra. At kung iki-click mo ang mga title, lalabas ang detalye ng pelikula. Kung ano ang kuwento at sinu-sino ang mga kasamang artista sa pelikula, pati na ang directors.

Ang nagulat nga kami, habang tinitingnan namin ang listahan, mayroon pang music. Kinakanta ni Ate Vi mismo ang The Way We Were, na obviously re­corded mula sa TV show niya noon, ang Vilma.

Pero nakakatuwa na may ganoon palang compilation. ’Tapos may sinabi rin ang blogger na may mga nai-repost nga siya sa kanyang blog na hindi niya naikuha ng permiso mula sa mga gumawa talaga. Pero hindi naman daw labag iyon sa copyright laws ng US at Canada dahil siguro naroroon siya. Ipinaliwanag niyang ginawa lang niya ang blog na parang tulong sa mga magre-research pagdating ng araw. May mga video pa ng mga trailer lang ng pelikula ni Ate Vi. May clips naman ng mga lumang pelikula na hindi namin alam kung saan niya nakuha dahil wala pa namang video noong panahong iyon.

Well researched ang laman ng blog na i­yon na sigu­ro ikatutuwa ng fans ni Ate Vi na makita rin.

 

ALICE DIXON ALL SEASONS ATE VI GARDO VERZOSA KUNG NAMIN PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with