^

Pang Movies

Alden matagal napahinga!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi ako sure kung nakarating kahapon si Sunshine Dizon sa pocket presscon ng Mundo Mo’y Akin dahil wala pa siya nang dumating ako.

Ang bagong teleserye ng GMA 7 ang comeback project ng aktres na matagal na nawala sa sirkulas­yon dahil sa kanyang pagbubuntis at pa­nganganak.

Dalawa na ang anak ni Sunshine sa tunay na buhay kaya nanay na rin ang role niya sa Mundo Mo’y Akin. ’Yun nga lang, hindi child stars ang mga gaganap na anak ni Sunshine dahil si Louise delos Reyes ang anak niya.

Hindi na bago kay Sunshine ang nanay roles dahil siya ang madir nina Yas­mien Kurdi at Lovi Poe sa Bakekang kaya walang effect ang mga pang-iintriga na bagets pa siya para gumanap na nanay ni Louise.

Si Andoy Ranay ang direktor ng Mundo Mo’y Akin pero missing din siya sa presscon kahapon.

Dumating sina Alden Richards, Lauren Young, Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann, at Angelika dela Cruz.

Hindi pa masyadong alam ni Alden ang kuwento ng Mundo Mo’y Akin dahil ngayon pa lamang ang taping nila nina Louise at Lauren.

Inuna muna ang taping ng mga artista na gaganap bilang mga magulang ng young cast.

Matagal na nabakante si Alden kaya excited na siya sa pagsisimula ng taping ng Mundo Mo’y Akin.

BB naghubad, pero hindi nakita ang hiyas

Ang audio ang inirereklamo ng mga dumalo sa press preview ng Halik ng Tarantula noong Miyerkules.

Ang Halik ng Tarantula ang stage play na pinagbibidahan ni BB Gandanghari.

Ang sey ng mga reporter, may problema sa audio kaya hindi nila masyadong naintindihan ang mga linya ni BB na da­ring dahil naghubad siya sa stage. Hindi nga lang niya ipinakita ang kanyang hiyas. Hiyas daw o!

Sulit naman ang panonood ng mga reporter dahil may kahabaan ang Halik ng Tarantula.

Babad na babad si BB sa stage, pati si Jet Rai, ang model-actor na gumanap na lover niya.

Si BB at ang Viva Films ang producer ng Halik ng Tarantula.

Pagmamaldito ni Paulo hinahanap sa video

May video ang Startalk ng awards night ng Golden Screen Awards for TV ng EnPress noong nakaraang Biyernes.

Hindi ako sigurado kung nakunan ng cameramen namin ang ‘joke’ ni Paulo Avelino nang mag-present ito ng award.

Mas mabuti kung nakunan ng Startalk camera dahil malalaman natin kung talagang nagbiro o seryoso si Paulo sa dialogue niya na ikina-offend ng mga member ng EnPress.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG HALIK

DAHIL

GABBY EIGENMANN

GOLDEN SCREEN AWARDS

HALIK

MUNDO MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with