^

Punto Mo

EDITORYAL - COVID infection bumababa na

Pang-masa
EDITORYAL - COVID infection bumababa na

NAGSIMULA ang granular lockdown sa National Capital Region (NCR) noong Setyembre 16. Isinailalim ang 57 lugar sa Metro Manila. Ibig sabihin ng granular lockdown, isasara ang isang particular na lugar na maraming kaso ng COVID. Bawal lumabas at pumasok sa lugar. Kapag inabutan ng lockdown ang sinuman, wala nang makakalabas sa lugar. Isasailalim ang lugar sa 14 na araw na lockdown. Ang mga residente ay isasailaim sa COVIDF test. Bantay-sarado ang lugar kung saan ang mga apektadong residente ay hahatiran ng ayudang pagkain at iba pang pangangailangan.

Mahigit isang linggo pa lamang ang granular lockdown sa NCR pero mayroon nang nakitang magandang resulta. Dahan-dahan nang bumababa ang kaso at infection rates. Dahil sa nakikitang pagbaba, na-classify nang moderate risk ang NCR mula sa dating high risk.

Sabi ng Department of Health (DOH), inaalam pa nilang mabuti ang dahilan nang pagbaba ng infection rates sa NCR dahil sa maraming lugar sa bansa ay patuloy pang tumataas ang kaso ng Delta variant. Sa katunayan, sabi ng DOH, full capacity pa rin ang mga ospital sa Metro Manila kahit na nga pagbaba ng kaso.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng DOH ay dahil kakaunti ang isinasagawang COVID test particular ang RT-PCR tests sa NCR. May mga clinic din na hindi agad nakapagsa-submit ng datos. Ilan lamang ito sa posibilidad ng pagbaba ng kaso.

Malaki ang aming paniwala na tagumpay ang granular lockdown kaya nagsisimula nang bumaba ang kaso sa NCR. Dahil walang makalabas sa lugar na maraming kaso, napigilan ang pagkalat ng virus.

Ang nararapat na paigtingin ng pamahalaan ay ang pag-test sa mga residente na nasa ilalim ng lockdown. Ayon sa report, may mga residente pa rin na tumatangging magpa-COVID test. Balewala ang granular lockdown kung hindi mati-test ang mga residente. Kakalat at maaaring makalabas din ang virus. Makipagtulungan sana ang mga residenteng naka-lockdown para lubusang mapuksa ang virus. Paigtingin din ang vaccination program.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with