EST Cola vs Creamline sa PVL

MANILA, Philippines — Sa ikalawang laro, winalis ng EST Cola ang guest squad Ho Chi Minh City ng Vietnam, 25-19, 26-24, 26-24, para sa kanilang 4-1 kartada.
Bumanat si Papatchaya Phontham ng 21 points mula sa 19 attacks, isang service ace at isang block para banderahan ang mga Thai spikers sa ikaapat na sunod na panalo sa torneo matapos matalo sa unang laro sa PLDT.
May 18 markers si Nannaphat Moonjakham kasunod ang 12 points ni Nirarach Srikuta, habang may 18 excellent sets si setter Natnicha Saelao.
Ito ang unang PVL finals stint ng EST Cola matapos ang fourth place finish noong 2024 Invitational Conference na pinagreynahan ng Cool Smashers.
Sa unang laro, bumira si Fil-Am middle blocker MJ Phillips ng 25 points para gabayan ang Nxled (3-2) sa 25-20, 25-21, 18-25, 25-22 panalo sa Farm Fresh (1-4).
Nagdagdag si Jackie Acuña ng 12 points at tumipa si Jonah Sabete-Escamillan ng 11 points at 21 receptions para sa Chameleons.
Nag-ambag si Myla Pablo ng 10 points at may siyam na puntos si EJ Laure-Carino na siyang sumelyo sa kanilang four-set win laban sa Foxies na nakahugot kay Trisha Tubu ng 20 points, habang may 13 markers si Jonna Perdido bukod sa 11 receptions. (Russell Cadayona)
- Latest
























