^

Pang Movies

Maris, sa abroad pumapag-ibig!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Maris, sa abroad pumapag-ibig!

May bagong karelasyon na nga ba si Maris Racal?

Viral ang dalawang photos niya na may kasamang lalaki na naka-Goyard bag pero hindi nakikita ang hitsura ng mukha.

Last weekend pa ito kumalat nang may nag-upload sa X na namataan daw ang aktres na may kasamang non-showbiz foreigner na ang duda raw nila ay boyfriend ng aktres.

Mabilis naman itong pinag-usapan sa social media.

Ang isa sa nag-viral na photo ay parang nasa airport lounge sila ng unidentified na lalaki at nag-uusap.

Dalawang photo ‘yun at ‘yung isa ay parang may binubuhat ang lalaki sa airport shuttle bus at sa dalawang photos na ‘yun nakatingin sila sa isa’t isa.

Kaya ang analysis ng mga netizen, sa abroad ‘yun, hindi sa Pilipinas.

Iba’t iba na kaagad ang ‘story’ sa nasabing photos na habang isinusulat namin ito ay walang sagot o paramdam si Maris tungkol sa nasabing lalaki o kung AI o Artificial Intelligence ito o kung sino ang lalaking ito.

Maaalalang kontrobersiyal ang huling relasyon ni Maris – si Rico Blanco na talagang dedmahan sila nang magkasabay dumalo sa katatapos na 9th Eddys ng the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) last July 5.

Kapwa sila nanalo, si Maris ay Best Actress para sa pelikula niyang Sunshine habang si Rico ay nanalong Best Supporting Actor para sa Metro Manila Film Festival entry na Manila’s Finest.

Hindi sila nagbatian nung gabing ‘yun at mas naunang umalis si Rico kasama ang buo niyang pamilya.

At nang matanong si Maris tungkol sa pagkapanalo ng ex, masaya raw siya para kay Rico.

Naudlot naman ang sinasabing relasyon sana nila ni Anthony Jennings noon nang magkatambal sila sa isang serye na naging iskandalo dahil sa karelasyon ni Anthony that time na naglabas ng resibo ng landian nila ni Maris.

Anyway, nauna na ring nag-viral ang isang photo ni Rico na may kasamang girl na sabi nila ay kolehiyala lang daw. Naka-super shorts ito at mukha ngang in her 20s lang.

Na ayon naman sa isang nagkuwento ay hindi raw girlfriend ni Rico ‘yun, nakasabay lang daw that time at parang faney lang.

Matagal din ang naging relasyon nina Rico at Maris pero obviously, hindi maganda ang naging breakup nila.

Anne, gustong ipanalo sa Seoul... ng kampo ni Angel

Pati fans ni Angel Locsin ay busy sa pagboto kay Anne Curtis para sa Outstanding Asian Star Award sa gaganaping Seoul International Drama Awards 2026.

Hindi raw nila nakakalimutan ang ginawa ni Anne na pagdamay noon kay Angel, nung pumanaw ang ama nito.

Labanan ng boto ang Outstanding Asian Award kaya kailangan talaga ng suporta ng fans.

At nominated si Anne sa kanyang pagganap sa local adaptation ng Korean drama series na It’s Okay To Not Be Okay na ganundin ang title sa Pinoy adaptation nito.

Dahil sa rami ng suporta, no. 2 na si Anne sa ranking. Matindi niyang kalaban si Kim Chiu na nominado naman para sa serye nila ni Paulo Avelino na The Alibi.

Agad namang nagpasalamat si Anne.

Nauna na rin siyang nag-tweet ng “SALAMAAAAAT! again, win or lose I appreciate all your effort guys!”

Magla-last day bukas ang botohan, July 14, at sinabi na from the start ni Anne na hindi siya umaasang magwawagi siya dahil aniya ay mabibigat ang kanyang kalaban.

Gaganapin ang 21st Seoul International Drama Awards sa KBS Hall sa Seoul, South Korea sa Oct. 8.

Nauna nang nanalo rito sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Belle Mariano at Kim Chiu.

Kaya nga ang pinu-push ngayon ni Kim ay si Paulo na nasa number 1 slot daw sa kasalukuyan dahil sa sipag ng kanilang fans. Lalo na raw at ang fans pala ni Kim ang may hawak ng kanyang Facebook account kaya masipag silang mag-post ng ganap nina Kim at Paulo.

MARIS RACAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with