VP Sara: ‘I will be bloodied but unbowed’

Sa impeachment trial…
MANILA, Philippines — “ In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed”
Ito ang maikling mensahe ni Vice Presidente Sara Duterte sa mga media at pagkatapos ay agad na ito at tumanggi nang sumagot ng iba pang katanungan.
Nabatid na dumating kahapon sa Senado si Duterte upang pulungin lang ang kanyang defense team at hindi para dumalo sa ikalawang araw ng impeachment trial.
Bago dumating si Duterte, humarap sa isang press conference ang spokesperson ng kanyang defense team na si Atty. Michael Poa at kinumpirma ang pagdating ng Bise Presidente.
Anya, magkakaroon ng meeting si Duterte kasama ang kanyang mga abogado pero hindi pa rin ito haharap sa trial.
Ipinaliwanag din ni Poa na sa Senado na ginanap ang meeting dahil ugali na ni Duterte na siya ang mag-adjust sa oras ng kanyang ka-miting.
Magugunitang nagsimula nitong araw ng Lunes ang impeachment trial laban sa Bise Presidente.
- Latest















