Pati Ball boys?
Sa hazing pala ang bagsak ng kaso ng pagkamatay ng Ateneo players na sila Rene Baterbonia at Divine Adili.
‘Yan ang recommendation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at natanggap na ito ng Department of Justice (DOJ) – na kasuhan ang resigned Ateneo coach na si Tab Baldwin at 10 pang members ng staff.
Pag-aaralan ng DOJ kung sapat ang ebidensya na nakalap ng CIDG para sampahan ng kaso ang grupo na umano eh in charge sa team activity na nauwi sa pagkalunod ng mga players nung June 8 sa isang beach sa Aurora.
Kasama sa pwede sampahan ng kaso, at pwedeng makulong kung guilty, ang mga conditioning coaches, assistant coaches, student managers, physical therapist at dalawang ball boys.
Well, doon ako nagulat.
Bakit sinama ang ball boys eh hindi naman sila kasama sa mga decision making.
Sila ba ang pumili ng lugar? Sila ba ang pumili ng petsa? Sila ba ang pumipili ng activity? Sila ba ang nagsasabi kung ano ang dapat ipagawa sa players?
Maniniwala ako kung kasuhan ang head coach or assistant coach or conditioning coach. Pero pati ball boys?
Sa job title pa lang – ball boys or nung araw eh water boys. Sa games at practices, in charge sila sa mga gamit ng players gaya ng uniforms, bags, towels, water dispensers, paghahanda ng mga kakainin before and after at sa pagliligpit ng mga gamit.
Pero wala silang kinalaman sa mga team decisions.
Unless ‘yung mga ball boys ang nagbigay ng instruction sa players na lumusong sa maalon na dagat, wala silang kinalaman sa pagkalunod ng players.
Not guilty.
- Latest


















