^

Metro

Firearms Law amyendahan – DILG

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Firearms Law amyendahan – DILG
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, lumabas sa imbestigasyon na ang baril na ginamit ng isa sa mga estudyanteng suspek ay pag-aari ng kanyang tiyahin na isang pulis.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Kongreso na higpitan ang umiiral na batas sa pagmamay-ari ng baril upang mapanagot ang mga iresponsableng gun owner kasunod ng madugong pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, lumabas sa imbestigasyon na ang baril na ginamit ng isa sa mga estudyanteng suspek ay pag-aari ng kanyang tiyahin na isang pulis. Aniya, sa kasalukuyang Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, walang malinaw na pananagutang kriminal para sa mga may-ari ng baril na nagpapabaya o nagpapagamit ng kanilang armas na kalaunan ay nagagamit sa krimen.

Dahil dito, hinimok ni Remulla ang mga mambabatas na repasuhin at am­yendahan ang batas upang magkaroon ng mas mabigat na pananagutan ang mga gun owner na nagpapahintulot o nabibigong masiguro ang ligtas na pag-iingat ng kanilang mga baril.

Kasabay nito, isinulong din ng kalihim ang permanenteng pagbabawal sa online game na GoreBox at iba pang larong naglalaman ng matinding karahasan. Ayon sa kanya, maaaring makaapekto ang mga ganitong laro sa pagtingin ng kabataan sa karahasan, kamatayan at pagpatay, kaya nararapat lamang na masusing pag-aralan ng Kongreso ang posibilidad ng pagbabawal dito.

Samantala, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na makikipagtulungan ito sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang paigtingin ang pagbabantay sa mga video game at online application na maaaring maglantad sa mga menor-de-edad sa marahas na nilalaman.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with