^

Pang Movies

Matteo, napabilib sa ginawa ni Raymond!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Matteo, napabilib sa ginawa ni Raymond!
Matteo

Pa-comment-comment na lang si Matteo Guidicelli sa post ni Raymond Gutierrez.

May reel video si Raymond ng kanyang ganap bago pumunta sa studio ng Agenda sa Bilyonaryo News Channel (BNC) kung saan nga anchor na rin si Raymond with Korina Sanchez, Pinky Webb and Willard ­Cheng.

Shared din ang nasabing post ni Raymond ng account ng BNC.

Ang daming nag-comment sa post na ‘yun ni Raymond at kabilang nga si Matteo: “Awesome bro! (with fire emoji)”

Biglang nawala si Matteo sa nasabing programa dahil diumano sa paggi-guest nito sa TV5 news program na walang heads-up sa BNC.

Si Raymond, ayon naman sa insider ng BNC, ay 2024 pa sana sasalang sa Agenda pero na-busy raw ito kaya ngayon lang natuloy.

Ang ganda ng exposure ni Raymond sa news program at tuwang-tuwa ang kanyang family and friends na napapanood na ulit siya sa TV.

Janella, paborito ng mata ni Klea

Nilalanggam ang katamisan ng message ni Klea Pineda kay Janella Salvador kahapon sa social media. Caption nito sa post kalakip ang photos ni Janella: “Maaaring iba ang nakikita nila, pero ikaw pa rin ang paborito ng mga mata ko. Sila? Bahala sila. Basta ako? Napapahanga mo ako.”

Awws, talagang wala na silang tinatago sa ­toto­­ong nararamdaman nila sa isa’t isa.

MATTEO GUIDICELLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with