^

PSN Palaro

Eala sibak agad sa Strasbourg

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala sibak agad sa Strasbourg
Alex Eala
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bigo si Alex Eala na masundan ang magandang simula nito upang lasapin ang 6-3, 5-7, 3-6, kabiguan sa kamay ni qualifier Oleksandra Oliynykova ng Ukraine upang maagang mamaalam sa kontensiyon sa Internationaux de Strasbourg sa France.

Matikas ang simula ni Eala bago nakaresbak ang Ukrainian netter sa second set at maitabla ang laban.

Sa final set, kinatigan ng suwerte si Oliynykova upang tuluyang tuldukan ang kampanya ng Pinay netter sa larong tumagal ng mahigit dalawa at kalaha­ting oras.

Sa kabila nito, hindi u­uwing luhaan si Eala dahil nakasiguro ito ng 17,310 Euros o mahigit P1.2 mil­yong premyo.

Sesentro na ang atensiyon ni Eala sa pagha­handa nito para sa French Open na magsisimula sa susunod na linggo sa Paris, France.

Balik-ensayo agad si Eala para maayos ang mga pagkakamali nito sa kanyang mga nakalipas na laban.

Kailangang maplantsa agad ito ni Eala dahil mas matinding laban ang haharapin nito sa Roland Garros.

Sasalang si Eala sa singles event gayundin sa doubles kung saan makakasama nito ang kanyang kaibigan at world No. 9 na si Victoria Mboko ng Canada.

Sa kabila ng maagang pagkakasibak sa Internationaux de Strasbourg umakyat sa No. 35 si Eala sa WTA live rankings.

Ilang players ang bumagsak sa rankings dahil bigo na madepensahan ang kanilang puntos dahilan para umangat si Eala.

Kasalukuyan itong nasa No. 38 sa official WTA rankings.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with