Guiao vs Arejola
Baka malapit na maglagay ng bagong side event sa PBA All-Star Week.
Boxing match.
Well, maraming contenders, mula lightweight hanggang heavyweight. May imports pa.
Ang latest contenders: coach Yeng Guiao at Magnolia consultant Erick Arejola.
Last Saturday kasi, nagkagirian sila during a game na pinanalo ng Rain or Shine.
Dehins yata nagustuhan ng Magnolia official ang pagsayaw ng ROS import na si Jaylen Johnson matapos ang isang crucial dunk sa final minute.
Nilapitan niya ang import at parang nag-sorry naman ito. Hinawakan pa nga niya si Mr. Arejola pero pumasok na sa eksena si coach Yeng.
Dehins mo rin naman masisi dahil sabi ni coach, gusto lang niya protektahan ang import niya.
Kaya ang ending, hamunan at kung dehins naawat, baka nagkabigwasan na.
Exciting moments pero sa totoo lang, dehins maganda.
Sabi ni coach, magkakaibigan sila at beke nemen kaya niyang kalimutan ang nangyari.
Mabuti pa nga. Kaya instead of a boxing match, dancing contest na lang. Guiao vs Arejola.
Judge si Kume.
- Latest


















