Goaltending
Ibang klaseng buzzer-beater ang na-witness ng mga fans sa MPBL nu’ng Miyerkules sa Pasay Astrodome.
Kahit ako, first time nakakita ng game-winner na goaltending violation.
Kung dehins n’yo napanood at naguguluhan kayo, ganito po ang nangyari sa game ng Cebu at Batangas.
Lamang ang Batangas 82-81 sa last 3.7 seconds at may free throws si Ced Ablaza ng Batangas.
Sokpa ang unang tira pero sablay ang pangalawa para maging 83-81.
Nakuha ni Simon Camacho ng Cebu ang rebound at agad pinasa kay Paul Desidero na pagtawid lang sa halfcourt eh, ala-tsambang ibinato ang bola. Baka nga naman pumasok.
Nadepensahan naman si Desidero kaya in short, very low percentage ang tira. Piso tamang isang daan.
Kaso, nakialam si Rhinwill Yambing ng Batangas na pilit inabot ang bola sa bibig ng ring.
Puwedeng pumasok, puwedeng sablay.
Pero dahil nahawakan ni Yambing ang bola, goaltending violation.
Siniguro ng mga referees at game officials ang tawag bago sila nag-declare ng decision: goaltending.
“Desidero, three!” ang hiyaw ng game announcer.
Kaya ang final score, 84-83, at nanalo ang Cebu.
Nakatulog kaya ng mahimbing si Yambing?
- Latest

















