Isumbong mo!
Parang time bomb.
‘Yan si Calvin Abueva na slowly but surely eh parang bumabalik sa old self.
Kaya ang tingin ko, baka maulit ang 2019 kung saan nahatulan siya ng indefinite ban na tumagal ng 16 months.
Matapos ma-fine ng P20,000 para sa “Paldo ang referees” comment niya matapos matalo ang Converge sa Ginebra dito sa PBA Commissioner’s Cup, eto na naman si Abueva.
Sa game against Magnolia last Sunday, olats ulit ang Converge. Kaya after a 1-0 start, 2-6 sila ngayon.
Four more games sa elims at kung dehins babangon, maagang bakasyon.
Back to the game, uminit ang ulo ni Magnolia coach LA Tenorio kay Calvin. May two hard fouls ang dating Magnolia player kay Paul Lee at Zav Lucero.
Kaya nung magdikit sila, nagkaroon ng verbal spat si coach LA at Calvin.
Ang comment ni Calvin sa social media, true or false, eh “Anak nagsumbong sa tatay dahil sa foul tapos tatay nagreact susumbong daw kay lolo. Matindi ang backer.”
Sina Lee at Lucero ang player at si coach LA ang tatay. Kung sino ang lolo, bahala na kayo mag-isip.
Sinubukan ni coach idownplay ang alitan na “Calvin is just being Calvin” lang daw at parang isang kuya lang daw siya reminding Calvin na “Just keep playing. ‘Yun lang ‘yun.”
Kailangan siguro sabihan si Calvin either ng team niya or ng PBA.
Bago pumutok ang bulkan.
- Latest





















