No, thank you
May offers daw ang Korean Basketball League kay Calvin Oftana ng TNT.
Walang figures na lumabas pero malamang, tumataginting.
Mahina ang isang milyon sahod kada buwan dahil ganun ang bigayan sa KBL para sa mga Asian imports.
Easily, two or three times ng takits niya sa PBA.
At dehins lang isang team ang umaawit para sa 30-year-old na kamador.
Pero sa ngayon, dedma si Calvin dahil bilang professional, respetado niya ang contract niya sa TNT na mapapaso sa katapusan ng 2027.
It means wala siya balak pumuga at sumampa sa KBL kung saan naglalaro sina Carl Tamayo at Kevin Quiambao.
Kaya suwerte ang TNT at professional ang asta ni Calvin dahil unang-una eh, happy daw siya sa kinalalagyan niya sa TNT at sa PBA.
Kung ibang player ‘yan, baka humanap na ng paraan para iwan ang PBA.
Malay natin, magbago ang isip ni Calvin dahil 31 years old pa lang siya once mag-expire ang contract niya sa TNT.
Kung may offer pa.
- Latest

















