^

PSN Palaro

Bo-nus! Bo-nus!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

May bagong siga sa PBA – ang Rain or Shine.

Wala pang talo ang mga bata ni coach Yeng Guiao sa Commissioner’s Cup. Undefeated in six games.

Sa buong PBA career ni Guiao, baka ngayon pa lang siya nakatikim ng 6-0.

Even sa Rain or Shine franchise, first time ito. I’m sure very happy ang team owners na sila Terry Que at Raymund Yu.

Isa lang ang problema dito. Pero actually, good problem to have.

Ang bonus.

Lahat kasi ng PBA contracts ng players at coaches, may kasamang won-game bonus. Ewan ko lang ang mga ballboy. Meaning kada panalo, may ayuda.

Iba ang won-game bonus sa eliminations then tataas sa quarterfinals, semis and finals. Kung mag-champion, ibang usapan pa.

Mahina ang isang buwan sweldo as bonus pag champion. Parang 13th month.

Kung dehins ako nagkakamali, si Alvin Patrimonio nung 1990s ang unang nagkaroon ng ganitong clause sa kontrata. Sumunod na lang lahat.

Kaya for Rain or Shine, siguradong malaki na ang nilabas na bonus dahil 6-0 sila.

Sabi nga ng isang PBA official, “Mahal manalo sa PBA.”

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with