^

PSN Palaro

FEU binawian ang NU

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakabawi ang Far Eastern University sa defending champion National University matapos nilang suwagin ang mahirap na 25-23, 25-23, 20-25, 21-25, 22-20 panalo sa UAAP Season 88 collegiate women’s volleyball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum, kahapon.

Naging instrumento sa panalo ng Lady Tamaraws ang matikas na laro nina Faida Bakanke at Lovely Rose Lopez kaya naman napaganda nila ang kanilang karta sa 6-3 at saluhan ang biktima sa No. 2 spot sa team standings.

Kumana si Bakanke ng 22 points mula sa 18 attacks at apat na blocks habang 19 ang kinana ni Lopez.

Naka-una ang Lady Tamaraws sa sets 1 at 2 kaya nasa kukote nila na walisin ang Lady Bulldogs sa set 3 pero hindi pumayag ang huli hinawakan nila ang four-point lead, 16-12 sa second technical timeout bago kinuha ang panalo at makahirit ng fourth set.

Nagpatuloy ang mabangis na laro ng NU sa fourth frame kaya nakapuwersa sila ng deciding fifth set kung saan ay pahirapan ang naging labanan nila ng FEU.

Hindi nasira ang diskarte ng Lady Tams sa fifth frame nang maghabol sila ng tatlong puntos, 6-9, sinabayan nila ang tikas ng Lady Bulldogs para ikahon ang panalo.

Samanatla, nagkapit- bisig sina Kianne Olango, Nina Ytang at Jelai Gajero upang akbayan ang University of the Philippines sa panalo kontra University of the East, 25-21, 25-15, 25-14 sa unang laro.

Tumikada si Olango ng 18 points mula sa 14 attacks, tatlong blocks at isang service ace kasama ang pitong receptions at dalawang digs para sa Fighting Maroons na nakalsuhan ang kanilang four-game losing streak.

FAR EASTERN UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with