^

PSN Palaro

Dyip nilasing ng Gin Kings para sa tsansa sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dyip nilasing ng Gin Kings para sa tsansa sa quarters
akalibre ng basket si Jayson David ng Ginebra nang makatakas sa Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines —  Pinalakas ng Barangay Ginebra ang tsansa sa quarterfinals spot matapos lasingin ang sibak nang Terrafirma, 108-77, sa Season 50 PBA Philippine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Umiskor si Jayson David ng 16 points at may 13 at 12 markers sina big man Norbert Torres at rookie Sonny Estil, ayon sa pagkakasunod.

“The idea is always try to create momentum going to the playoffs,” ani coach Tim Cone.

“They knew the magnitude of these two games on Wednesday and Friday in terms of the big picture, in terms of us securing the spot in the playoffs.” “But the bottomline for us is we just wanna be pla­ying good basketball when we’re going into the playoffs,” dagdag ng two-time PBA Grand Slam champion mentor.

Ito ang ikatlong sunod na arangkada ng Gin Kings na nagpaganda sa kanilang kartada sa 5-4 habang laglag ang Dyip sa pang-walong dikit na kamalasan para sa 1-9 baraha.

Maagang nag-init ang Ginebra nang kunin ang 20-6 abante sa 4:55 minuto ng first period matapos isalpak ni Stephen Holt ang isang three-point shot.

Isinara ng tropa ni Cone ang first half bitbit ang 52-35 kalamangan sa Terrafirma tampok ang 17 assists.

Sa third quarter ay itinayo ng Gin Kings ang isang 20-point lead, 57-37, hanggang ibaon ang Dyip sa 80-50 mula sa basket ni David bago matapos ang nasabing yugto.

Ang basket ni RJ Abarrientos sa 8:20 minuto ng fourth quarter ang nagpadyak sa bentahe ng Ginebra sa 90-56.

Tuluyan nang gumuho ang pag-asa ng Terrafirma na makahabol makaraan ang layup ni David sa huling 2:18 minuto ng laro para sa 101-70 paglayo ng SMB franchise.

Samantala, target ng San Miguel (6-2) ang Top Four berth na may ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals sa pagsagupa sa Blackwater (1-8) ngayong alas-7:30 ng gabi sa parehong venue.

Kasalukuyang nasa isang six-game winning streak ang Beermen kum­para sa Bossing na laglag sa walong dikit na kabiguan matapos ipanalo ang u­nang asignatura.

Sa unang laro sa alas-5:15 ng hapon ay puntirya ng TNT Tropang 5G (5-3) ang quarterfinals spot sa pagharap sa NLEX (6-3).

GINEBRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with