Chery sinolo ang No. 2 spot

Blinangka ni Eya Laure ng Chery Tiggo ang hataw ni Jovelyn Gonzaga ng Cignal.
PVL photo

MANILA, Philippines — Hinataw ng Chery Tiggo ang 17-25, 25-19, 21-25, 25-22, 16-14 panalo kontra sa Cignal HD para solohin ang second place sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City,

Nagpaputok si Eya Laure ng 26 points mula sa 21 attacks, 3 blocks at 2 aces para sa 7-1 record ng Crossovers sa ilalim ng nagdedepensang Creamline Cool Smashers (7-0).

Pinatibay ng grupo ni Laure ang tsansa sa semifinal round at inilaglag ang HD Spikers sa 6-3.

“Siyempre, itong panalo na ito hindi pa kami dapat maging complacent kasi may mga susunod pang games,” ani Laure na sumelyo sa panalo ng Chery Tiggo. “Sabi nga namin sa isa’t isa, no stopping.”

Sa unang laro, pumalo si Jonah Sabete ng 21 points mula sa 16 attacks, 3 aces at 2 kill blocks para akayin ang Petro Gazz sa 25-22, 19-25, 25-16, 26-24 pagdaig sa talsik nang Farm Fresh.

Pinigilan ng Gazz Angels ang kanilang apat na dikit na kamalasan para bu­hayin ang pag-asa sa semis.

Nag-ambag si Grethcel Soltones ng 16 markers habang may 13 points si Aiza Maizo-Pontilla para sa Gazz Angels.

Show comments