Spurs bagsak sa LA Clippers

Nagdiwang sina Russell Westbrook at Paul George ng Clippers matapos ang panalo sa Magic.

SAN ANTONIO — Bumanat si Paul George ng 28 points at may 21 mar­kers si Kawhi Leonard para giyahan ang Los Angeles Clippers sa 124-99 pag­rapido sa Spurs.

Ito ang ikalawang su­nod na panalo ng Los Angeles (5-7) matapos mahulog sa isang five-game losing skid sapul nang makuha si James Harden mula sa Philadelphia via trade.

Tumapos si Harden na may 13 points at 10 assists para sa kanilang 6-0 record laban sa San Antonio (3-11).

Nalimitahan si No. 1 overall pick Victor Wembanyama sa 9 points at 3 rebounds para sa pang-siyam na dikit na kamalasan ng Spurs.

Sa New Orleans, ku­monekta si Brandon Ingram ng 31 points sa 129-93 panalo ng Pelicans (8-5) sa Sacramento Kings (7-7).

Sa Detroit, tumipa si Reggie Jackson ng 21 points at nalampasan ng nagdedepensang Denver Nuggets (10-4) ang pagkakasibak kay two-time MVP Nikola Jokic sa first half sa 107-103 pagtakas sa Pistons (2-13).

Sa Chicago, pumoste si Bam Adebayo ng 23 points at 11 rebounds sa 118-100 paggiba ng Miami Heat (9-5) sa Bulls (5-10).

Show comments