^

PSN Palaro

SBU kakapit sa No. 3 spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hangad ng San Beda University na mapatatag ang kapit sa No. 3 spot sa pagharap nito sa Arellano University sa pagbabalik-aksyon ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Red Lions at Chiefs sa alas-12 ng tanghali habang maghaharap naman ang Mapua University at Jose Rizal University sa alas-3 ng hapon.

Nais ng Red Lions na maulit ang kanilang 96-61 demolisyon sa Chiefs sa first round.

Galing ang San Beda sa 72-64 panalo sa Emilio Aguinaldo College noong nakaraang linggo para masolo ang ikatlong puwesto bitbit ang 7-4 baraha.

Dahil dito, may tsansa pa ang Red Lions na makuha ang twice-to-beat bonus sa semis.

Nasa unahan ng stan­dings ang defending champion Colegio de San Juan de Letran (10-3) kabuntot ang College of Saint Benilde na may 9-2 marka.

Sesentro muna ang atensiyon ng San Beda sa laban nito sa Arellano.

Gigil ang Chiefs na makakuha ng mga importanteng panalo para mapaganda ang 5-6 rekord nito.

Wala nang puwang ang anumang pagkakamali para sa Arellano kung nais nitong makapasok sa Final Four.

vuukle comment

SAN BEDA UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with