^

PSN Palaro

‘Pistahan sa Mega’ 5-cock derby sa Roligon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Premyong P3 milyon ang nakataya sa pagbabalik ng paluan sa gaganaping ‘Pistahan sa Mega’ 5-cock derby sa Abril 21 sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque.

Pakakawalan ang largahan sa idaraos na 2-cock elimination na may day champion prize na P100,000 sa Abril 21 kasunod ang iba pang 2-cock eliminations sa buwan ng Abril para sa unang 100 kalahok sa Abril 25 at sa Abril 28.

Nakatakda na rin ang bakbakan sa promosyon ng Mega Promotion at pagtataguyod ng Thunderbird – The Winning Formula sa pagpapatuloy ng 2-cock elims sa Mayo 2, Mayo 5, Mayo 12, Mayo 16 at Mayo 19.

Magsisilbing host si Ka Lando Luzong & Friends sa nasabing event na may entry fee na P4,400 at minimum bet na P4,400.

Nakalatag ang premyong P1.7 milyon para sa mag­ka­kampeon sa 3-cock Finals na nakatakda sa Mayo 23, habang paghataian ang P800,000 ng mga day champions (P100,000 per elims sa Roligon) at may P400,000 ang entries na makakaapat na puntos.

Ito ang unang pagkakataon na magbabalik sa Roli­gon ang aksyon matapos ang halos dalawang taong lockdown bunga ng COVID-19 pandemic.

vuukle comment

LANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with