^

PSN Palaro

Guilty ba?

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Masama ang kinalalagyan ni Albert “The Prince” Pagara, ang magaling na boxer mula sa Maasin, Southern Leyte.

Naakusahan siya ng child molestation.

Ano ang pumasok sa isip ni Pagara? Natukso ba siya para gawin ang naiparatang sa kanya? Nawala ba siya sa kanyang sarili?

Ang masama nito ay menor-de-edad ang biktima. Isang 14 anyos na babae sa Bgy. Inayawan sa Cebu City.

Ayon sa report, natutulog ang bata sa kanilang tirahan nang gawin ni Pagara ang kahalayan.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na agad naman ipinahuli si Paraga. He did not resist arrest.

At ang balita pa ay nagtangkang magpakamatay si Pagara sa loob ng selda. Nagsubok daw magbigti at naagapan lang ng fellow inmates.

Siguradong kilala nila si Pagara dahil kung sa Cebu lang naman ay superstar ang trato sa kanya.

Malamang nga eh mga fans pa sila ng dating WBO at IBF Inter-Continental super-bantamweight champion.

Maraming beses din natin na-cover ang mga laban ni Pagara. Nakasama pa ako sa fights niya sa California at Dubai kung saan dinumog siya ng Pinoy fans.

Magaling na boxer. Malapit sa fans.

 Hindi ko talaga maisip kung ano ang nagtulak sa kanya na gawin ito.

Mahirap hatulan si Pagara, 27, kung guilty siya o hindi.

Ang kasamaan lang nito, non-bailable ang offense niya dahil nga bata ang biktima.

Baka matagalan si Pagara sa kanyang selda at malamang ay eto na ang katapusan ng kanyang boxing career (33-1 with 23 knockouts)

Sayang na sayang.

vuukle comment

ALBERT PAGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with