^

PSN Palaro

Hiling ni Fernandez kay Pacquiao…

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Hiling ni Fernandez kay Pacquiao�
Manny Pacquiao and Buboy Fernandez at work.
Wendell Alinea / MP Promotions

One last fight!

MANILA, Philippines — Isa pang laban bago magretiro!

Ito ang pananaw ni chief trainer Buboy Fernandez kung saan hangad nitong magkaroon ng engrandeng pagtatapos ang boxing career ni People’s Champion Manny Pacquiao.

Nais ni Fernandez na makabawi si Pacquiao matapos ang masaklap na unanimous decision loss kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas noong Linggo sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Halatang hindi masaya si Fernandez sa naging resulta ng laban ni Pacquiao partikular na ang katotohanang natalo ito sa hindi naman ganun kakilalang boksingero sa ngalan ni Ugas.

“Papayag ka ba na ganun-ganun lang? Ang kaibigan mo tinalo ng halos di kilalang tao. Tapos dun lang matatapos yung career natin,” ani Fernandez.

Hindi naman pinapa­ngunahan ni Fernandez ang pagdedesisyon ni Pacquiao.

Nakasalalay pa rin ang lahat sa magiging pinal na desisyon ng Pinoy champion kung lalaban pa ito o tuluyan nang iiwan ang boxing world.

Subalit nais nitong ma­ging maganda ang exit ni Pacquiao upang mas lalo pang maging maningning ang pangalan nito.

“Siyempre ang makakapag-desisyon lang niyan ay si senator,” ani Fernandez.

Isang rematch kay Ugas o sa sinumang kilalang boksingero ang mas nanaisin ni Fernandez sakaling matuloy ang inaasam nitong “last hurray” ni Pacquiao.

Umaasa naman ang ilang analysts na tuluyan nang magreretiro si Pacquiao lalo pa’t hindi na rin ito bata.

Nasa 42-anyos na si Pacquiao kung saan napansin ng ilang eksperto na bumagal ito sa kanyang huling laban.

Sa kabilang banda, naniniwala ang ilang eksperto na wala nang dapat pang patunayan pa si Pacquiao.

Anuman ang naging resulta ng huling laban nito, hindi na mabubura sa isipan ng lahat na isa si Pacquiao sa pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan na maisasama sa listahan ng Greatest Boxers of All Time.

vuukle comment

BUBOY FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with