^

PSN Palaro

Zamboanga City humirit ng do-or-die

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matikas na rumesbak ang JPS-Zamboanga City nang itarak nito ang 84-71 panalo sa Petra Cement-Roxas upang maipuwersa ang rubber match sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Min­danao Leg second phase best-of-three semifinals na ginaganap sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.

Balanseng atake ang inilatag ng Zamboanga City na binanderahan ni Fran Yu na kumana ng 16 puntos, walong rebounds, tatlong steals at dalawang blocks.

Nagparamdam din ng lakas si dating NCAA standout Gabby Espinas na may parehong 16 puntos ka­lakip ang pitong rebounds at dalawang assists.

Naasahan naman si Jaypee Belencion nang bumanat ito ng 16 puntos kabilang ang tatlong tres habang nag-ambag sina Aaron Jeruta at Jerwin Gaco ng tig-11 puntos.

Nanguna sa hanay ng Roxas si James Castro na may 17 puntos, apat na assists, tatlong rebounds at dalawang steals katuwang si Jhong Bondoc na nag­lista ng 16 puntos at apat na rebounds.

Nagpasabog ang Zamboanga City ng 13-0 ratsada sa huling kanto ng laro upang pigilan ang Ro­xas sa Game 2 ng serye.

Nakatakda ang do-or-die Game 3 ng Zamboanga City at Roxas kagabi kung saan ang magwawagi ang makakasagupa ng Basilan sa best-of-five championship series.

PILIPINAS VISMIN SUPER CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with