^

PSN Palaro

Zamboanga City pasok sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinailangan ng JPS-Zamboanga City ng ma­lakas na puwersa para itakas ang 69-66 panalo laban sa ALZA Alayon-Zamboanga del Sur upang masikwat ang tiket sa semifinals ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Leg na ginaganap sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.

Kumuha ng lakas ang Zamboanga City kay 2019 NCAA Finals MVP Fran Yu na kumana ng 12 puntos, limang assists, apat na rebounds, isang steal at isang block.

Si Yu din ang umiskor ng dalawang krusyal na free throws sa huling sandali ng laro para makuha ng Zamboanga City ang panalo.

Naglista naman si Gabby Espinas ng 14 puntos, 10 rebounds, at tatlong assists samantalang nagparamdam si dating UAAP star Mac Mac Cardona na may siyam na puntos, limang rebounds, tatlong assists at isang block.

Sasagupain ng Zam­boanga City sa best-of-three semifinals ang second seed Clarin kung saan papalo ang Game 1 ng serye ngayong gabi sa alas-6.

Sa unang laro, naipuwersa ng Kapatagan ang rubber match nang igupo nito ang twice-to-beat holder Pagadian sa iskor na 96-82.

Bida para sa Kapatagan si Ryan Costelo na naglista ng 19 puntos gayundin si Teytey Teodoro na may 14 puntos kabilang ang tatlong tres.

vuukle comment

PILIPINAS VISMIN SUPER CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with