^

PSN Palaro

Perasol mananatili sa Fighting Maroons

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mananatili si veteran mentor Bo Perasol bilang head coach ng University of the Philippines (UP) Figh­ting Maroons sa UAAP men’s basketball.

Naglabas ng statement ang pamunuan ng UP matapos kumalat ang balitang nagbitiw si Perasol sa kanyang puwesto.

Agad na naglabas ng statement si UP College of Human Kinetics Dean Francis Diaz kung saan itinanggi nitong nagbitiw si Perasol.

Ayon kay Diaz, may pro­sesong sinusunod ang UP sa pagpili ng mga coaches.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang buong UP community kay Perasol matapos sumakabilang-buhay ang kanyang ina dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Maganda ang rekord ni Perasol sa limang taon nitong paghawak sa  UP.

Sa ilalim ng kanyang pa­mumuno, dalawang beses pumasok sa Final Four ang UP noong Season 81 at Season 82.

Umabante ang UP sa finals noong Season 81 para tuldukan ang mahigit tatlong dekadang finals drought ng tropa.

Subalit nagkasya lamang ito sa runner-up trophy matapos matalo sa finals sa Ateneo de Manila University via 0-2 sa best-of-three.

vuukle comment

BO PERASOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with