^

PSN Palaro

Vestal ipaparada ng Sta. Lucia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Vestal ipaparada ng Sta. Lucia
Nagpalakas din nang husto ang Lady Realtors kung saan ipaparada ng tropa si Fil-American Jessi­ca Vestal na wing spiker mu­la Concord, California.
Philippine Superliga/Roman Prospero

MANILA, Philippines — Desidido ang Sta. Lucia Lady Realtors na makipagsabayan para sa korona sa 2020 Philippine Superliga Grand Prix na lalarga sa su­sunod na buwan.

Nagpalakas din nang husto ang Lady Realtors kung saan ipaparada ng tropa si Fil-American Jessi­ca Vestal na wing spiker mu­la Concord, California.

Kinuha naman ng Sta. Lucia bilang import si Cana­dian Shainah Joseph na isa ring outside hitter na may pa­matay na crosscourt hits.

Miyembro si Joseph ng Canadian women’s volley­ball national team kaya’t ma­lalim ang karanasan nito sa mga international tour­na­ments na madadala niya sa Sta. Lucia.

Sa kabilang banda, ilang torneo na rin ang ni­la­ruan ni Vestal sa US  at ma­laking tulong ito upang hi­git na mapalakas ang front line ng Lady Realtors.

Una nang kinuha ng Sta. Lucia si middle blocker Mika Reyes na ilang kampeonato ang bitbit mula sa kanyang mga dating ko­po­nang F2 Logistics at Petron Blaze Spikers bukod pa ang ilang titulo sa UAAP.

Nasa Sta. Lucia na rin si open hitter Honey Royse Tu­bino, miyembro ng Phi­lippine Army Lady Tro­­o­­pers, gayundin sina li­bero Bang Pineda na da­ting Ge­­nerika-Ayala, playma­ker Djanel Cheng na lumundag mula PetroGazz An­gels na naglalaro sa Pre­mier Vol­ley­ball League at Aie Gannaban ng Univer­sity of the Philippines.

vuukle comment

HONEY ROYSE TU­BINO

LADY REALTORS

PETROGAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with