^

PSN Palaro

Celtics wagi sa Warriors; Nuggets umiskor sa Jazz

Pilipino Star Ngayon
Celtics wagi sa Warriors; Nuggets umiskor sa Jazz
Sinuwag ni Gordon Hayward ng Celtics si Jorden Poole ng Warriors.

BOSTON -- Nagsalpak si Gordon Hayward ng 25 points para pamunuan ang Celtics sa 119-104 paggiba sa Golden State Warriors.

Nagdagdag si Marcus Smart ng 21 points, ang 17 rito ay iniskor niya sa se­cond half sa gabing binig­yan ng Boston ng tribute si Kobe Bryant na namatay sa isang helicopter crash.

Nagbalik si Jayson Tatum sa lineup ng Celtics ma­tapos hindi makita sa tatlong laro bunga ng right groin strain at tumipa ng 20 points.

Binanderahan naman ni D’Angelo Russell ang Warriors, nalasap ang pang-limang dikit na kabi­gu­an, mula sa kanyang 22 points.

Matapos iwanan ng Golden State sa first period ay naglunsad ang Bos­ton ng 18-7 atake sa pag­tatapos ng nasabing yugto patungo sa pagtatala ng 19-point lead sa fourth quarter.

Sa Denver, umiskor si center Ni­kola Jokic ng 28 points, ka­sama ang anim sa huling dalawang minuto, bukod pa sa 10 assists pa­ra ihatid ang Nuggets sa 106-100 panalo kontra sa Utah Jazz.

Sa Atlanta, humataw si All-Star guard Trae Young ng 39 points at nagtala ng career-high 18 assists para pamunuan ang 127-117 pa­nalo ng Hawks laban sa Philadelphia 76ers.

Sa Cleveland, kuma­ma­da si forward Serge Ibaka ng 26 points at may 23 markers si guard Kyle Lowry para igiya ang Toron­to Raptors sa 115-109 paggupo sa Cavaliers.

Sa Los Angeles, tumi­pa si De’Aaron Fox ng 34 points sa 124-103 paggiba ng Sacramento Kings sa Los Angeles Clippers.

vuukle comment

GORDON HAYWARD

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with