^

PSN Palaro

Bida si Prosper

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bida si Prosper
Nagsalpukan sina Marcio Lassiter ng San Miguel at Jackson Corpuz ng Colombian Dyip sa paghabol sa bola.
Jun Mendoza

Dyip sinagasaan ang Beermen sa OT

MANILA, Philippines — Kinailangan ng Columbian ang five-minute extra period para tapusin ang kanilang tatlong sunod na kamalasan at makasilip ng tsansa sa quarterfinals.

Humakot si import Lester Prosper ng 40 points, 13 rebounds at 3 assists para tulungan ang Dyip na sagasaan ang San Miguel Beermen sa overtime, 134-132  sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Inilista ng Columbian ang kanilang ikalawang panalo sa walong laro habang nalasap ng San Miguel ang pa­ngalawang dikit na kabiguan para sa 2-5 baraha.

Kumamada si No. 1 overall pick J Perez ng 34 mar­kers, 8 boards, 4 assists at 4 steals habang may 27 points si Rashawn McCarthy para sa Dyip, inilubog ang Beermen sa 84-70 sa 3:50 minuto ng third period bago nakadikit sa pagtatapos nito, 82-88.

“Ibinigay lang namin ang buong effort namin,” sabi ni Perez, naglista rin ng 8 boards, 4 assists at 4 steals. “Siyempre, kapag kalaban mo ang magaling na team dapat galingan mo rin.”

Ang jumper ni Glenn Khobuntin ang nagbigay sa Columbian ng 118-115 abante sa huling 10.4 segundo kasunod ang three-point shot ni Arwind Santos sa nalalabing 1.5 segundo para akayin ang San Miguel sa extension, 118-118.

Kinuha ng Dyip ang 124-120 bentahe sa 3:36 minuto ng extra period bago nakadikit ang Beermen sa 130-132 agwat sa natitirang 33.6 segundo.

Lumipad naman si Perez para sa kanyang drive na nagbigay sa Columbian ng 134-130 kalamangan sa huling 12.7 segundo.

vuukle comment

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP

COLUMBIAN

SAN MIGUEL BEERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with