FEU pokus sa back-to-back crown
MANILA, Philippines — Asam ng nagdedepensang Dance Company Streetdance na Far Eastern University ang ikalawang sunod na titulo sa pagdaraos ng UAAP Season 81 Streetdance Competition ngayong Sabado sa Araneta Coliseum.
Bukod sa FEU, inaasahan din na muling magpapasiklab ang La Salle Dance Company upang agawing muli ang korona. Inaasahan ding ipapakita ng UP Streetdance ang magandang sayaw para daigin ang mga pambato ng DLSU at FEU.
Kabilang din sa mga paborito sa taong ito ang mananayaw mula sa Adamson (Adamson Cast), NU (Underdawgz), Ateneo (Ateneo Company), UST (UST Prime) at UE Street Warriors.
Pangungunahan nina “Upfront” hosts Janeena Chan at Martin Javier ang kumpetisyon bilang host sa event. Mapapanood din ang kauna-unahang UAAP-JBL Freestyle Showdown ng mga napiling indibidwal na representante ng iba’t ibang eskwelahang miyembro ng UAAP.
Sa Juniors division, handang-handa na rin ang UST Galvanize sa pagdedepensa sa titulo laban sa high school teams ng FEU Baby Tamaraws Dance Company, UE Street Varsity team, Adamson Cauldron Dance Company (AdU), NU-Nazareth School Underdawgz, Zobel Dance Company (DLSU) at UPIS BLK (UP).
Mapapanood ng LIVE ang buong kumpetisyon sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD at via livestream sa iWant Sports at sports.abs-cbn.com simula alas-2 ng hapon.
- Latest






















