^

PSN Palaro

Lady Altas balik sa finals vs Lady Chiefs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Altas balik sa finals vs Lady Chiefs
Na-blocked ni Shyra Umandal (12) ng Lady Altas ang kill ni Chelsea U­mali (5) Lady Blazers sa NCAA Season 94 wo­men’s volleyball Final Four do-or-die game kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Laro sa Biyernes (The Arena)

4pm AU vs UPHSD (W)

MANILA, Philippines —Matikas na pinataob ng University of Perpetual Help System Dalta ang top seed College of Saint Benilde sa bisa ng 25-17, 27-29, 19-25, 26-24, 16-14 upset win para hablutin ang huling silya sa finals ng NCAA Season 94 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kumuha ng lakas ang Lady Altas kay wing spiker Cindy Imbo na bumanat ng impresibong 32 puntos mula sa 29 attacks, dalawang aces at isang block para buhatin ang kanilang koponan sa finals.

Lalarga ang Perpetual Help sa best-of-three finals laban sa nagdedepensang Arellano University na pinabagsak ang San Beda University sa hiwalay na semis game.

Magsisimula ang serye bukas sa parehong venue.

Naulit ng Lady Altas ang 25-23, 25-21, 20-25, 25-23 panalo nito sa twice-to-beat holders Lady Blazers noong Martes.

Matapos ang matinding gitgitan sa unang tatlong sets, inilabas ng Lady Bla­zers ang pinakamalakas na pasabog nito sa fourth set nang itarak ang 15-4 bomba na tinuldukan ng ace ni Klarisa Abriam.

Ngunit unti-unting ru­mes­bak ang Lady Altas sa likod nina Imbo at Hannah Suico na gumawa ng importanteng mga puntos sa service area at attack line para makabalik sa porma at maipuwersa ang deci­ding fifth set.

Higit pang nag-alab ang Perpetual Help sa fifth set tampok ang matatalim na atake nina Suico at Imbo kasama ang game-winning ace para makabalik ang kanilang tropa sa finals.

Sa men’s division, mabilis na napasuko ng Benilde ang Emilio Aguinaldo College, 25-18, 25-23, 25-20 upang umabante sa finals.

Nagtala si Vince Abrot ng 12 puntos  para sa Bla­zers.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with