PBA Board pararangalan ng PBAPC

MANILA, Philippines — Gagawaran ng parangal ang PBA Board sa pamumuno ni chairman Victorico ‘Ricky’ Vargas sa silver anniversary celebration ng PBA Press Corps Annual Awards Night sa Enero 21 sa Novotel Manila Araneta Center.
Tatanggapin ni Vargas at ng PBA board ang special President’s Award mula sa grupo ng mga sportswriters na nagkokober sa PBA beat kaugnay ng kanilang naging pagkakaisa para sa katiwasayan ng liga.
Isinantabi ang ilang hindi pagkakaunawaan para sa pagkakaroon ng iisang hangarin, matagumpay na naisagawa ng PBA board ang pang-43 season.
Bukod kay Vargas (TNT Katropa), ang iba pang miyembro ng board ay sina Vice-Chairman Richard Bachmann (Alaska), Treasurer Atty. Raymond Zorilla (Phoenix), Robert Non (San Miguel), Rene Pardo (Magnolia), Rod Franco (NLEX), Al Panlilio (Meralco), Atty. Mamerto Mondragon (Rain or Shine), Bobby Rosales (Columbian Dyip), Siliman Sy (Blackwater), Alfrancis Chua (Barangay Ginebra) at Eric Arejola (NorthPort).
Si Vargas, ang presidente ng Philippine Olympic Committee (POC), ang tatayong guest speaker sa special rite na inihahandog ng Cignal TV.
- Latest























