^

PSN Palaro

Lady Chiefs lumapit sa sweep

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Chiefs lumapit sa sweep
Nag-unahan sa drop ball sina Carla Donato (15) ng Arellano at si Shyra Umandal (12) ng Perpetual Help sa aksyong ito sa NCAA women’s volleyball.

Laro Ngayon (The Arena)

12nn EAC vs LPU (W)

2pm CSB vs SSC-R (W)

MANILA, Philippines — Nalusutan ng nagdedepensang Arellano University ang matikas na hamon ng University of Perpetual Help System Dalta, 18-25, 25-16, 25-19, 26-24  upang makadikit sa minimithing sweep sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Lady Chiefs upang makumpleto ang pagwalis sa eliminasyon na magbibigay sa kanila ng awtomatikong tiket sa finals.

Mabilis na nakabalikwas ang Lady Chiefs sa malamyang simula habang napigilan din nito ang paghahabol ng Lady Altas sa huling sandali ng laro upang maikonekta ang kanilang ikawalong sunod na panalo.

Titipanin ng Arellano ang San Beda University sa kanilang huling laro.

Nahulog ang Perpetual Help sa 4-3 marka dahilan para bigyan ng pagkakataon na makasalo sa kanilang No. 4 spot ang San Sebastian College-Recoletos na may parehong kartada.

Sa unang laro, nanaig ang Colegio de San Juan de Letran sa Mapua University sa pamamagitan ng pahirapang 14-25, 26-24, 23-25, 25-17, 15-13 panalo.

Nanguna para sa Letran si team captain Miracle Mendoza na nagtala ng 21 puntos habang nagdagdag si Kathleen dela Cruz ng 18 hits para makatulong sa opensa ng tropa.

Umangat sa 2-6 ang Lady Knights samantalang lalo pang nalugmok ang Lady Cardinal sa ilalim bitbit ang 1-7 marka.

Sa men’s division, na­naig ang Knights sa Cardinals, 25-15, 25-22, 25-20 para maipuwersa ang  four-way tie sa ikaanim na puwesto.

Magkakasama ang Letran, Mapua, San Beda University at Jose Rizal University hawak ang magkakatulad na 2-6 kartada.

Umiskor si Mhel Ga­buyo ng 14 points habang may tig-11 sina Christopher Cistina at Angel Canzana para sa Letran.

Sa juniors, namayani ang Squires sa Red Ro­bins, 25-18, 25-19, 25-22 upang masikwat ang tiket sa Final Four.

Gumanda ang marka ng Letran sa 6-2 para samahan ang defending champion University of Perpetual Help at Lyceum sa semis.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with