^

PSN Palaro

Lady Red Spikers matatag pa rin sa itaas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro bukas (The Arena)

12nn  EAC vs UPHSD (W)

2 p.m. LPU vs JRU (W)

MANILA, Philippines — Mabilis na nakabangon ang San Beda University sa masamang panimula bago itakas ang 30-28, 25-17, 25-14 panalo laban sa Mapua University upang manatili sa unahan ng standings sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Kumana si Season 92 Rookie of the Year Cesca Racraquin ng 11 attacks, dalawang aces at 24 digs para pamunuan ang Lady Red Spikers sa ikalawang sunod na panalo.

Nauna nang pinayuko ng San Beda ang University of Perpetual Help System Dalta via five-set win sa kanilang unang pagsalang.

“Medyo nag-relax kami sa first set kaya naging wake up call sa amin ‘yun. Kaya nung second set, mas maganda na ang inilaro namin kumpara sa first set. Mas nagtrabaho na kami,” wika ni Racraquin.

Malaki rin ang suporta nina Nieza Viray at Sattriani Espiritu na parehong nagrehistro ng 14 hits samantalang nagdagdag naman si Trisha Paras ng 10 markers para sa Lady Red Spikers.

Nagtala ang San Beda ng kabuuang 51 attacks laban sa 28 lamang ng Mapua. Lamang din ito sa blocks (5-2) at aces (6-3).

Sa ikalawang laro, naitakas ng nagdedepensang Arellano University ang 25-17, 20-25, 25-18, 18-25, 16-14 pahirapang panalo laban sa College of Saint Benilde upang sumalo sa liderato tangan ang 2-0 baraha.

 Sa men’s division, umiskor si Jeffrey Losa ng 23 puntos para buhatin ang San Beda sa 20-25, 25-19, 25-20, 22-25, 15-5 desis­yon laban sa Mapua para maikonekta ang ikalawang sunod na panalo.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with