^

PSN Palaro

Aces winasak ang Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Aces winasak ang Dyip
Eksaktong natakpan ng bola ang mukha ni Alaska import Mike Harris.
(Kuha ni Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Bumangon ang Alaska mula sa naunang kabiguan para palakasin ang tsansa sa Top Four.

Kumamada si import Mike Harris ng 44 points at 27 rebounds sa 104-94 paggiba ng Aces sa Co­lum­­bian Dyip sa 2018 PBA Governor's Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang ikaanim na panalo ng Alaska sa walong laro ang nagtabla sa kanila sa Blackwater (6-2) sa ikatlong puwesto sa ilalim ng Mag­nolia (7-1) at nagde­de­­pensang Barangay Gi­n­e­bra (7-2).

Nalasap naman ng Co­­lumbian ang kanilang pang-siyam na sunod na ka­­malasan.

Kaagad kumolekta si Harris ng 25 markers at 14 boards sa first half kung sa­an nagtayo ang Aces ng 10-point lead, 53-43, laban sa Dyip.

“I was able to get established early in the first quarter and my teammates kept finding me,” wika ni Harris.

Pinalaki pa ito ng Alaska sa 81-61, sa 3:06 minuto ng third period bago ito na­pababa ng Columbian sa 86-93 mula sa dalawang free throws ni Jackson Cor­puz sa 5:27 minuto ng fourth quarter.

Ngunit muling humataw si Harris katuwang sina Vic Manuel at Chris Banchero para muling ilayo ang Aces sa 101-88 sa huling 1:52 mi­nuto ng laro.

Nag-ambag si Manuel ng 16 points kasunod ang tig-10 markers nina Banchero at JVee Casio, ayon sa pagkakasunod, para sa Aces.

Tumapos naman sina import Akeem Wright at Cor­puz na may tig-19 points para banderahan ang Dyip, habang nag-am­bag naman ng 14 mar­kers si Jerramy King.

vuukle comment

2018 PBA GOVERNOR'S CUP

ACES

MIKE HARRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with