^

PSN Palaro

Puwestuhan na sa quarterfinals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena)

10 a.m. UE vs Perpetual

12:30 p.m. Ateneo vs EAC

2:15 p.m. FEU vs SSC

4:30 p.m. Gilas vs Mapua

6:30 p.m. SBC vs La Salle

 MANILA, Philippines — Target ng  UAAP champion Ateneo,  La Salle at Far Eastern University na masikwat ang kani-kanilang puwesto sa quarterfinals sa pakiki­pagtipan sa magkakaibang karibal ngayong araw sa pagpapatuloy ng 2018 FilOil Flying V Preseason Cup sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Ateneo ang Emilio Agui­naldo College sa alas-12:30 ng tanghali habang haharapin ng La Salle ang reigning NCAA champion San Beda University sa alas-6:30 ng gabi.

Nakatakda naman ang pakikipagtuos ng FEU sa San Sebastian College-Recoletos sa alas-2:15 ng hapon na susundan ng duwelo ng Gilas Pilipinas at Mapua University sa alas-4:30.

Magkasalo ang Blue Eagles at Green Archers sa liderato sa Group A hawak ang parehong 6-0 baraha.

Galing sa dalawang impresibong panalo ang Ateneo kung saan inilampaso nito ang University of Perpetual Help System Dalta (83-59) at National University (94-60) kaya’t nag-uumapaw ang kumpiyansa ng Katipunan-based squad.

Sa kabilang banda, daraan sa pagsubok ang La Salle dahil naghahabol ang San Beda na makalikom ng mga panalo para mapaganda ang kanilang 2-2 baraha.

Nagngingitngit din ang Red Lions sa masaklap na 54-56 kabiguan sa University of the Philippines noong Biyernes.

Puntirya naman ng FEU na masolo ang lide­rato kalakip ang pagsikwat ng unang silya sa quarters sa Group B.

vuukle comment

2018 FILOIL FLYING V PRESEASON CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with