^

PSN Palaro

Rockets sa game 1

Pilipino Star Ngayon
Rockets sa game 1
Walang hirap na nailusot ni James Harden ng Rockets ang kanyang lay-up laban kina Rudy Gobert at Jae Crowder ng Jazz.

HOUSTON--Humataw si James Harden ng 41 points, 7 assists at 8 rebounds at kaagad nagtayo ang Rockets ng malaking kalamangan para kunin ang 110-96 panalo laban sa Utah Jazz sa Game One ng kanilang Western Conference best-of-seven semifinals series.

Itinayo ng Houston ang 25-point lead sa halftime mula sa pinagsamang 34 points nina Harden at Chris Paul.

Halata naman ang ka­paguran ng Utah, isinara ang kailang first-round series ng Oklahoma City Thunder noong Biyernes, sa kabuuan ng laro.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Rockets kung saan naglista ng 10 points o higit pa nga­yong postseason at pang-limang dikit na paggupo sa Jazz bitbit ang average na 16.8 points.

Nakahugot ang Utah ng tig-21 points kina rookie Donovan Mitchell at Jae Crowder at naglaro nang wala si starting point guard Ricky Rubio, may strained left hamstring, na nagtala ng mga averages na 14 points, 7.3 rebounds at 7 assists sa first round.

Ang slam dunk ni Rudy Gobert, nagposte ng 11 points at 9 rebounds, ang naglapit sa Jazz sa 77-89 agwat, ngunit nagsalpak naman si Harden ng three-point shot  para muling ilayo ang Rockets sa 92-77 sa huling walong minuto ng fourth period.

Sa Cleveland, kumamada si LeBron James ng 45 points para banderahan ang Cavaliers sa 105-101 pagsibak sa Indiana Pa­cers sa Game Seven ng kanilang first-round playoffs series.

Ito ang ika-13 sunod na panalo ni James sa first round at inihatid ang Cleveland sa conference semifinals series laban sa Toronto Raptors.

Naglaro si James ng 43 minuto at pansamantalang nagtungo sa kanilang locker room sa third quarter dahil sa pamumulikat ng kanyang binti.

Nagdagdag naman si Tristan Thompson ng 15 points at 10 rebounds.

vuukle comment

JAMES HARDEN

ROCKETS

WESTERN CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with