^

PSN Palaro

Mapua ika-2 biktima ang EAC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalusutan ng Mapua University ang Emilio Aguinaldo College, 77-74 para makopo ang ikalawang sunod na panalo sa 2018 FilOil Flying V Preseason Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagrehistro si Christian Bunag ng double-double na 17 points at 11 rebounds habang umasiste si Lawrence Victoria na nagsumite naman  ng 14 mar­kers, bukod pa ang anim na assists para banderahan ang Cardinals.

Bagsak ang Generals sa 0-1.

Inilampaso naman ng College of Saint Benilde ang Jose Rizal University, 104-83 upang masikwat ang unang panalo.

Nanguna si Yankie Haruna para sa Blazers matapos kumulekta ng 16 puntos tampok ang impresibong 9-of-9 sa free throw line kasama pa ang apat na steals at apat na rebounds.

Nagdagdag naman sina James Pasturan at Edward Dixon ng tig-13 puntos para sa Benilde na sumulong sa 1-0 sa Group B.

Maagang naglunsad ng atake ang Blazers nang ilatag nito ang 32-13 bentahe.

Mula rito ay hindi na lumingon pa ang Benilde para tuluyang pulbusin ang Heavy Bombers.

Naitala pa ng Bla­zers ang pinakamala­king kalamangan na 27 puntos, 87-60 sa ikaapat na kanto.

Nagtala sina Mark Dela Virgen at Karl Bordon ng tig-15 puntos para sa Heavy Bombers.

Lumasap naman ng ikalawang sunod na kabi­guan ang Jose Rizal.  (CCo)

vuukle comment

2018 FILOIL FLYING V PRESEASON CUP

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with