^

PSN Palaro

4 teams unahang lumapit sa MPBL Finals

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asahan ang mainit na pagtatagpo ng top seed Batangas Athletics at No. 4 seed Valenzuela  habang maghaharap din ang third seed Muntinlupa kontra sa No. 7 seed Parañaque   sa pagsisimula ngayon  ng best-of-three semifinal series ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League-Anta Rajah Cup sa Batangas City Coliseum.

Haharapin ng host Batangas ang  Valen­zuela sa alas-9 ng gabi pagkatapos ng pagtutuos ng Parañaque at Muntinlupa sa alas-7 ng gabi.

Hindi pinagbigyan ng Batangas Athletics ang Bataan Defenders at tinapos agad ang kanilang best-of-three quarterfinals,  2-0 habang ang Valenzuela Classics ay nanga­ilangan pa ng tatlong laro bago nadispatsa ang Quezon City Capitals, 2-1  sa kanilang serye noong Martes.

Sumunod agad ang Muntinlupa Cagers sa Final Four makaraang walisin ang serye kontra sa Navotas Clutch, 2-0 habang sinorpresa ng seventh seed Parañaque Patriots ang paborito at second seed Bulacan Kuyas, 77-70  upang agawin ang huling semis berth, 2-1.

Sa bilis ng Patriots hindi nakasabay ang Bulacan ni coach Chris Baluyot kaya nagawa ng Parañaque ang pinakamalaking upset win sa inaugural staging ng home and away league.

vuukle comment

BATANGAS ATHLETICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with